Xian, Kim Drama Actor at Drama Actress of the Year sa 2016 Eduk Circle

xian lim

WAGI ng major awards ang mga Kapamilya stars sa 2016 Eduk Circle Awards na ginanap nitong weekend sa AFP Theater.

Ginulat ni Xian Lim ang lahat nang siya ang tanghaling Drama Actor of the Year para sa kanyang natatanging pagganap sa Primetime Bida series na The Story of Us opposite Kim Chiu.

“Nakakatuwa po na napansin nila ako doon na talaga naman pinagbuti namin ang lahat ng scenes. Hindi ko makakalimutan yung mga underwater scenes namin na ang ganda lumabas sa TV,” pahayag ni Xian sa panayam ng ABS-CBN.

Si Kim naman ang itinanghal na Drama Actress of the Year para rin sa The Story of Us. Ayon kay Kim priority pa rin niya ang pagdadrama kahit na napapansin na rin ang galing niya sa hosting.

“Marami po talaga natututunan kapag umaarte at ito talaga iyung gusto ko gawin kaya salamat kapag napapansin nila ang acting ko,” anang dalaga.

Samantala, wagi rin ng dalawang award si Kathryn Bernardo bilang Most Outstanding Young Actress for TV at Most Influential Celebrity of the Year.

“Lahat ng mga parangal nagiging bagong inspirasyon lalo na kapag students at educators ang nagbigay. Nakakatuwa po,” chika ng girlfriend ni Daniel Padilla.

Bukod dito, wagi rin si Bea Alonzo bilang Most Influential Film Actress of the Year habang si Bela Padilla naman ang nakapag-uwi ng Drama Actress of the Year award at King of Talk na si Boy Abunda ang itinanghal na Talk Show Host of the Year.

Read more...