Andrea walang kiyeme sa hubaran, lalandiin si Dingdong

 

Challenging ang bagong role ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres dahil bukod sa pagpapaseksi ay mapapasabak din siya sa aksiyon sa bagong primetime series ng GMA na Alyas Robin Hood.

Isa si Andrea sa gaganap na leading lady ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood, ang makakaagaw niya sa atensyon ng Primetime King sa serye ay si 2013 Miss World Megan Young.

Ayon kay Andrea, napakaswerte niya at naging bahagi siya ng bagong serye ng GMA, “Actually, sumakto. After nung Millionaire’s Wife na sobra akong aping-api, sabi ko, sana magkaroon ako ng role na iba naman.

“Hindi yung sobrang kontrabida, hindi rin naman sobrang api. Sakto, ito na yun, gray siya. Mukha siyang intimidating, mukha siyang masungit, pero may kabaitan ding ipapakita,” kuwento ni Andrea sa nakaraang presscon ng Alyas Robin Hood.

Si Andrea ay gaganap bilang si Venus, isang bar girl na tutulong kay Pepe (Dingdong) sa mga misyon nito bilang si Alyas Robin Hood.

“Na-excite ako kasi ang ganda ng story ‘tapos kung ano ang role ko. Sabi ko agad, gusto kong gawin kasi iba, e mahilig akong manggulat. Para yung mga fans ko, ‘Ah, ginawa niya yun?

“Yung mga ginagawa ko kapag meron akong mga pictorials, yun din ang ine-aim ko kapag may mga shows. Para naman interesting, ‘di ba, para naman may ibang flavors,” sey pa ng dalaga na wala ring kaarte-arte na nag-two-piece sa serye para akitin at landiin si Dingdong.

Read more...