‘Change is coming’ sa susunod na pasabog ng Encantadia

encantadia sanggres

HINDI lang daw sa gobyerno magkaka-“change is coming” kundi pati sa telefantasya ng Kapuso Network na Encantadia.

Ayon kasi sa director ng serye na si Direk Mark Reyes, dapat na raw maghanda ang netizens sa isang malaking pagbabago dahil tapos na ang re-telling ng istorya ng mga Sang’gre na ginagampanan nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia.

Base sa litrato na in-upload ni direk sa kanyang Instagram account, panahon na para simulan ang kaabang-abang na sequel sa parehong mundo ng tao at buong Encantadia.

“Brace yourselves… It’s not 2005 anymore. #encantadiks #Encantadia2016 #EncaMania,” ang caption na iniligay ni Direk Mark sa isang photo na in-upload niya sa IG.

 

Read more...