HIWALAY na nga ba sina KC Concepcion at Aly Borromeo? Sa isang Instagram post kasi ng TV host actress, tila ito ang nais niyang ipahiwatig.
Nilagyan niya ng caption ang IG post na “Status Update” kung saan nakalagay ang tatlong choices – ang “Single”, “Taken” at ang mahabang “Building an empire, Finding myself, Healing myself, Loving myself, Being passionate, Getting fit, Growing friendships, Meeting new people, & Making memories.”
Ang huling choice ang minarkahan ni KC kaya ang inisip agad ng kanyang followers ay break na sila ni Aly at single na siya uli. Maraming nagtanong sa dalaga kung bakit hindi “Taken” ang pinili niya dahil ang alam nga ng lahat magdyowa na sila ng football player.
Wala pang sagot si KC sa tanong ng kanyang followers.