SA unang pagkakataon, nagkuwento ang R&B Prince na si Kris Lawrence tungkol sa naging relasyon nila noon ni Katrina Halili, ang ina ng kanyang anak na si Katie sa Inquirer Radio/TV weekly talkshow na ShowbizLive recently.
Ayon kay Kris, mutual ang naging desisyon nila ni Kat na maghiwalay na ngunit nagkasundo sila na magiging open sa isa’t isa pagdating sa pagpapalaki sa kanilang baby.
Pero noong fresh pa ang kanilang break-up inamin ng magaling na singer na panay-panay ang away nila, nagsisumula lang daw kung minsan sa maliit na bagay hanggang sa lumaki na na kadalasan ay nauuwi sa pagtatalo.
Pero ayon sa R&B singer okay na okay na raw ang relasyon nila ni Katrina, “Were okay. Now I’m very thankful we’re civil. Kasi after our break-up medyo parang konting ano lang…like small little conversations mag-aaway na kami pero ngayon civil na.”
Kinumusta ng ShowbizLive hosts na sina Ervin Santiago at Izel Abanilla ang relasyon niya sa anak, very proud na sinabi ni Kris na lumalaki raw si Katie na smart and very talented.
Kwento niya, minsan ay tinuturuan niya mag-voicing ang bagets at natutuwa siya dahil nakakasunod na raw ito sa tono at kung minsan ay nagugulat pa siya sa anak dahil marami na itong alam. Siniguro rin ni Kris na nagagawa niya ang mga responsibilidad ng isang ama sa kanyang anak.
Pareho sila ni Katrina na focus muna sa anak at sa kanilang mga trabaho. Sa huling panayam kay Katrina sinabi nitong single pa rin siya hanggang ngayon at nakatutok ang atensyon niya ngayon kay Katie. How about him, ano naman ang status ng kanyang personal life?
“It’s okay, okay naman. I’m dating again, so my doors are open. I’m playing the field again,” tugon ni Kris.
Sa tanong naman kung may chance pa one day na magkabalikan sila ni Kat, ang sabi lang ni Kris ay hindi niya kontrolado ang mga bagay-bagay sa mundo pero wish niya ay maging masaya na si Katrina.
Sa career naman, nagge-guest uli si Kris sa ASAP ng ABS-CBN matapos ngang mawala ang Sunday musical show ng GMA. Nalungkot nga raw si Kris noong nalaman niya na mawawala na ang Sunday All Stars (at Party Pilipinas) pero positive pa rin si Kris sa takbo ng kanyang singing career.
“Seriously and honestly I was sad (nang palitan ng Sunday PinaSaya ang SAS). I was with GMA since 2009. Every Sunday nandu’n, you have a regular show so you have regular income. Yun, we’re normal people, it’s a job, this is what we do ito yung hanapbuhay namin.
“So, when you find out na your regular source of income is going away siyempre na-sad ka. But on the contrary a lot of good things did also come out with it,” kuwento ni Kris.
Sa kanyang opinyon, dapat daw nag-stick na lang ang GMA sa Party Pilipinas dahil marami raw talented singers and dancers sa bansa.
Although napapanood na uli si Kris sa ABS-CBN ay wala pa raw kontrata na ino-offer sa kanya pero umaasa siya na sooner or later ay magkakaroon din siya ng exclusive contract sa Dos. Excited nga raw siyang makatrabaho muli ang mga dati niyang kasamahan sa Kapamilya Network kung saan talaga siya nagsimula. Si Kris ang grand winner sa second season ng singing search ng ABS-CBN na Star In A Million.
Sa fans naman na pumupuri sa kanya at inihahalintulad pa sa Korean singer-songwriter na si Taeyang sobrang nagpapasalamat siya, nakaka-flatter daw ang tawaging Taeyang ng Pinas.
Dapat ding abangan ng kanyang loyal supporters ang tatlong bagong songs ni Kris na tinawag niyang “tringle”.
Promise ng binata isang bagong Kris Lawrence daw ang mapapakinggan sa nasabing mga kanta.