Pauline Cueto na-inspire sa life story nina Sarah at Yeng

pauline cueto

MALAKING blessing ang natanggap ng recording artist na si Pauline Cueto sa Philippine Movie Press Club nang maging nominado siya sa Star Awards for Music sa kategoryang Best New Female Recording Artist of the Year.

Esplika ng 16 year old na singer, “I felt blessed and overwhelmed na nominated ako as a new female recording artist. Hindi ko po ma-describe yung feeling. At first po, di po siya talaga nag-sink-in sa akin agad when I saw the list. Pero malaking opportunity po ito para sa akin.

“Kaya nagpapasalant po ako sa PMPC at magsisilbing inspirasyon ito para mas lalong pagsikapang maabot ang aking mga pangarap as a singer,” sey ni Pau.

Bata pa lang ay nakitaan na ng talent sa pagkanta si Pauline. Ayon sa kanya, first love raw niya ang musika, “Opo, love ko talaga ang singing and music and it has been my first love eversince,” saad ng talented na singer.

Actually, kung sa galing lang ay maraming kakabuging singers si Pauline. Ang kailangan lang niya ay magandang break upang mas makilala ng madlang pipol.

Available na ngayon sa record bars ang self-titled album niya at ang maganda rito, 10 porsiyento ng kikitain nito’y mapupunta sa charity.

“My album has 10 cuts. All composed, written and arranged by Sir Sunny Ilacad and distributed by MCA Music. All songs are very special to me because they all have a story in my life. Ang carrier single po is yung Dreamboy Ng Buhay Ko,” sey ni Pau.

Kabilang sa inspirasyon ni Pauline sa pagkanta ang kanyang mga magulang na sina Mr. Andy Cueto at Mrs. Mildred Cueto na very supportive sa kanyang mga pangarap. Katunayan, ipinagpagawa pa siya ng sariling music studio ng kanyang daddy.

“My favorite local artists are Sarah Geronimo, Yeng Constantino and Lea Salonga because I see them as an inspiration po to a lot of people. I’ve heard their stories kung paano po sila naging successful na artists and na-inspire po ako sa kanila,” aniya pa.

Read more...