Vina kay Cedric Lee: Ito na ang tamang panahon para lumaban!

vina morales at cedric lee

TAON ang ginawang pananahimik ni Vina Morales sa problemang kinasasangkutang sa ama ng anak na si Cedric Lee. Subalit ngayon ay determinado siyang lumaban alang-alang sa anak na si Ceana.

“Never nga akong nagsalita at never akong lumaban, di ba?” katwiran ni Vina sa huling pakikipag-usap sa media para sa kanyang “Vina@Thirty” concert bilang bahagi ng selebrasyon ng tatlong dekada niya sa showbiz.

“This time, ito na ‘yon. This is the right time to really go with it!” dagdag ng Ultimate Showgirl. Confident siyang malulusutan niya ang mga demanda ni Cedric laban sa kanya, “Wala naman akong ginagawa, eh. Hindi naman ako ang nagsimula ito.

“I was very quiet. Nananahimik ako. And it’s been seven years, more than seven years. Move on na tayo. Ang tagal na, eh. Saka hindi na magandang tingnan. Mas maganda ‘yung happy naman lahat,” sabi niya.

Last Thursday, sinampahan na ng kidnapping at illegal detention case ni Vina si Cedric.  Alam ba ni Ceana ang pinagdaraanan niya ngayon at ng ama nitong si Cedric?

“She knows! Kung hindi ka maibalik ng nine days, alam mo kung anong nangyayari at di makausap ang nanay mo.

“Ang mga bata ngayon, hindi mo na mapagtaguan ang nangyari sa buhay natin. They’re very sensitive. Very intelligent. Ang bilis nilang mag-aborb sa situation,” tugon ni Vina.
Ano ang sinasabi ng anak sa kanya?

“She’s a very strong girl and she always tells me that she loves me and she always wants to be with me and that’s the mots important,” katwiran niya.

Sa anniversary concert ni Vina, magkakaroon ng production number si Ceana kasama ang tiyahin niyang si Shain Magdayao.

Ilan pa sa guests ni Vina ay sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Robin Padilla. Sa Oct. 14 na magaganap ang mga pasabog ni Vina na gagawin sa KIA Theater. Mula ito sa DSL Events and Production House, Inc..

Read more...