Actor-producer adik daw, biglang nag-iiba ang ugali

BLIND ITEM MALE 0316

DUDA ng ilang movie executives ay gumagamit ng bawal na gamot ang isang actor-producer dahil bigla na lang daw nag-iiba ang ugali nito ng walang dahilan.

Sa isang showbiz event ay may ikinukuwento ang actor-producer na may sinakal siyang staff ng isang movie company dahil hindi raw siya sinusunod gayung kitang-kita naman ng movie executive na walang nangyaring gano’n dahil nga magkakasama sila.

“I don’t know what is he talking about. Wala naman kaming nakitang ganu’n kasi magkakasama kami, inisip ko baka nakalusot sa akin, and when I asked the staff, sabi niya wala ring ginawa sa kanya.

“I don’t know kung ano sinasabi niya. Minsan hyper siya, kaya naguguluhan ako, baka naman high siya,” sabi pa ng aming source.

Hmmmm, wala kaming alam kung totoong gumagamit ng droga ang nasabing actor-producer dahil sa tuwing makakausap namin siya ay normal lang naman siya. Pero napansin nga namin na madaldal siya at maraming kuwento. Kapag hindi mo naman tinatanong ay nasa isang tabi lang at titingin-tingin sa paligid.

Hindi ko kasi alam ang mga senyales ng mga high sa drugs, bossing Ervin. Obserbahan mo na lang siya kapag nasa presscon, ituturo ko siya sa ‘yo. (Sige Reggs, susubaybayan ko ang mga kilos niya at i-report natin agad sa PNP kapag confirmed! Ha-hahaha! – Ed)

Read more...