WALANG masabi ang award-winning director na si Maryo J. delos Reyes when we mentioned to him na more than winning awards sa mga international filmfest ang ikino-contribute niya bilang Festival Director ng ToFarm filmfest na tumutulong na itaguyod ang agrikultura at mga magsasaka sa buong Pilipinas.
Pagkatapos iikot sa mga sinehan sa mga probinsya, plano rin ng Chief Advocate ng ToFarm at Executive Vice President na si Dr. Milagros O. How na dalhin ang first six entries ng ToFarm filmfest sa mga barangay hanggang grass-root levels ng mga komunidad sa bansa.
“Ang plano namin by November or December, before the end of the year is to have a nationwide screening,” pahayag ni Direk Maryo noong makausap namin sa launch ng 2nd ToFarm Film Festival at announcement ng submission of entries na tatagal hanggang sa Nov. 17.
Ang anim na mapipiling kwento ay pagkakalooban ng P1.5 million na budget para sa paggawa ng pelikula na magiging official entries for the 2nd ToFarm filmfest sa July, 2017.
Si Direk Maryo ang overseer ng lahat ng entries sa festival. Alam naman ng marami na curator ng mga film festival si Direk at passion talaga niya ang paggawa ng pelikula.
“I am born to be a director but at the same time, now you get a purpose making use to become an agent of change, hindi ba? Tapos tumutulong ka sa ibang bagay. It’s more of hindi papunta sa loob kundi palabas. ‘Yun ang maganda kasi you become now a guru, a master. Nagkakaroon ng meaning ‘yung buhay, ‘di ba?” pahayag ni Direk Maryo.
Ang pagiging Festival Director niya ng ToFarm filmfest is bigger than doing a film ayon sa kanya. Nakapag-prodyus sila ng anim na pelikulang hindi matatawaran sa ganda. Kaya feeling fulfilled siya and at the same time energizes him to go on.
“Kasi siyempre minsan kapag umuuwi ka nang pagod na pagod ka, iniisip mo, ‘Ano ba ‘to? Para saan ba ‘yan?’ So, it gives you a bigger meaning when people are telling you, you’re doing the right thing and it becomes successful. So, you must be doing the right things because you are blessed and at the same time people acknowledge you,” aniya pa.
Dahil din sa ToFarm na-encourage at na-rediscover ni Direk Maryo na pagyamanin muli ang ekta-ektaryang farm na ipinamana ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid sa Bohol, ang FEVA Farm. Hindi na raw niya binago ang name nito na hango sa pangalan ng kanyang Lola Felisa at Lolo Valentin.
Plano ni Direk Maryo na umattend ng organic farming workshop sa November para personal na matutukan ang kanilang FEVA Farm.