Kathryn kay Daniel: Magaling humalik, ideal husband

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

TILIAN at nagtalunan ang KathNiel fans nang sagutin ng “yes” ni Kathryn Bernardo kung feeling niya ay magiging ideal husband si Daniel Padilla.

Kilig na kilig ang mga fans nina DJ at Kathryn na sumugod sa studio ng Tonight With Boy Abunda nitong nagdaang Miyerkules habang iniinterbyu ni Boy Abunda bilang bahagi pa rin ng promo ng pelikula nilang “Barcelona: A Love Untold” under Star Cinema na kumita na raw ng P23 million sa opening day pa lang.

Sa Fast Talk segment ng show, sina Kathryn at Daniel ang nagpalitan ng tanong at isa nga sa question ay kung naniniwala ang young actress kung magiging mabuting asawa si DJ. Sey ni Kath, mabuting anak at mabuting kapatid ang binata at marespeto ito sa kanyang pamilya kaya ang sagot ng dalaga ay “yes”.

Hirit naman ng dalaga sa exclusive relationship nila ni Daniel, “Para sa amin yun yung set-up namin, exclusive. Eh di exclusive kami sa isa’t isa. Parang siguro respeto na rin yun ng iba kapag naiintindihan nila kung anong set-up namin so maglalagay na rin sila ng limits.”

Nang tanungin naman ni DJ ang girlfriend kung good kisser ba siya, “Noong sinu-shoot yun (kissing scene sa Barcelona), nanginginig talaga lips ko. So siya talaga nag-alalay sa akin, so thank you, yes.”

Sa huling question kung magdyowa na talaga sila, si Daniel lang ang sumagot, “Eto masasabi ko sa iyo, sa inyo, kaming dalawa ni Kathryn, hindi man kami nagsasabi kung kami na o hindi, ang importante nagmamahalan kaming dalawa.”

Read more...