Bela Padilla walang kaechosan at kaartehan sa katawan

BELA PADILLA

BELA PADILLA

LEAD role si Bela Padilla sa “I America”, isang indie film na may regular run na this coming week. Siya si Erika sa movie, isang Amerasian.

“Simple siyang babae na gusto lang mag-artista para masuportahan ang pamilya niya. May mga kapatid siya na iba-iba ang personality. Basically, pinapakita namin ang life ng Amerasian sa Olongapo,” chika ni Bella.

“‘Yung mga nagtatanong kung sobrang bigat ba niya o dramatic movie ba siya, sa tingin ko hindi. Hindi siya ‘yung tipong, ‘Ay, grabe itong moment na ito.’ Mas totoo siya, mas real life, parang real life ng Amerasians,” dagdag pa ni Bella.

So, what’s the challenge of her character? “Siguro ‘yung pinakaunang naisip ko na kung paano ko gagawin. ‘Yung pagsalita is the challenge kasi si Erika medyo may pagkabaliw siya, eh.

“Nagpi-feeling siya, eh, na napakagaling niyang mag-English pero hindi naman talaga. May mga eksena na kahit hindi naman ‘yun ‘yung line sinasadya niyang ibalik. It’s very real.”

Nakakaaliw si Bella, natural na natural ang mga sagot sa mga tanong. Wala siyang kiyeme-kiyeme. Straightforward at walang paligoy-ligoy.

When asked kung ilang taon na silang magdyowa ni Neil Arce, agad-agad ang tugon niya. “Apat,” say niya.

Read more...