Ex-Palawan gov kinasuhan sa fertilizer fund scam

Kasong graft ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay dating Palawan Gov. Mario Joel Reyes kaugnay ng fertilizer fund scam.
     Ayon sa reklamong isinampa kay Reyes sa Sandiganbayan binigyan ng pabor ni Reyes ang Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, isang non-government organization, kung saan binili ang 3,240 bote ng liquid fertilizers noong 2004.
     Bukod kay Reyes, kasama sa kinasuhan ang mga regional officer ng Department of Agriculture na sina Rodolfo Guieb, at Dennis Araullo, at mga opisyal ng MAMFI na sina Marina Sula at Nathaniel Tan.
     Hindi dumaan sa public bidding ang pagbili sa mga fertilizer na nagkakahalaga ng P3.25 milyon, ayon sa Ombudsman.
     Ayon sa prosekusyon, hindi rin umano kuwalipikado ang MAMFI para magpatupad sa Farm Inputs and Farm Implements Program dahil hindi ito nagsumite ng kompletong dokumento para mabigyan ng accreditation.
     “(The accused) while in the performance of their official functions and committing the offense in relation to office, taking advantage of their official position, acting with manifest partiality, evident bad faith, or gross inexcusable, give MAMFI unwarranted benefits, privilege and advantage by causing and/or approving the procurement from MAMFI..,” saad ng reklamo.
      Si Reyes ay inaakusahan din na nasa likod ng pagpatay sa broadcaster na si Gerry Ortega.

Read more...