Palasyo: Hindi kaya ni Duterte na magpabomba ng mosque
IPINAGTANGGOL ng Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte matapos akusahan ng isang umaming dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na nasa likod ng mga pagpatay sa Davao City at maging ang pambobomba sa isang mosque.
Sa isang press conference, iginiit ni Communications Secretary Martin Andanar na naniniwala siyang hindi kayang gawin ni Duterte ang mga alegasyon ng umamin na dati umanong miyembro ng DDS na si Edgar Matobato.
“Do I think he’s capable? No, I don’t think he’s capable of giving a directive like that,” giit ni Andanar.
Nanawagan naman si Presidential Spokesperson Ernesto Abella na maging mahinahon ang lahat at timbangin muna ang naging salaysay ng DDS ni Matobato.
“I believe, as in all cases, all citizens should maintain a sense of sobriety, and maintain the sense of objectivity. I mean, after all, people do make statements everyday and while this person may sound credible, it is imperative that each and everyone of us properly weigh whatever he said and respond right,” ayon kay Abella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.