Paolo Duterte adik- ayon sa testigo ni De Lima | Bandera

Paolo Duterte adik- ayon sa testigo ni De Lima

- September 15, 2016 - 02:15 PM

paolo-duterte-e1472831653192

SINABI ng isang umaming dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na adik din ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
“Sa pagkakaalam ko lang … parang gumagamit yan ng drugs, itong si Paolo Duterte. Matagal na yun bata pa,” sabi ni Edgar Matobato, matapos iprisinta ni Sen. Leila de Lima sa pagdinig ng Senado.
Idinagdag ni Matobato na alam niya ang pagiging adik ng batang Duterte dahil dati siyang bahagi ng kanyang security group.
“Sa pagkakakilala mo, since nandun ka sa loob ng pamilya, si Paolo Duterte ay isang addict. ‘Yun ba nag sinasabi nyo?” tanong ni Sen. Antonio Trillanes kay Matobato.
“Opo, gumagamit s’ya pero hind yan nagtutulak,” sagot ni Matobato kay Trillanes.
Sinabi pa ni Matobato na shabu ang ginagamit umano ng vice mayor.

“Nagsha-shabu si Paolo Duterte na anak noong ating President na talagang masigasig sa war against drugs,” sabi ni Trillanes. “Unfortunately, yung ibang mga addict ay pinapatay kaagad pero si Paolo D, vice mayor ngayon ng Davao City.”
Sinabi pa ni Matobato na nag-utos din si Paolo na patayin ang mga kaaway habang nasa impluwensiya umano ng droga.
“Umuutos, pumapatay ng tao si Paolo Duterte. Parang sadista na rin sila. Marami na iniutos na pinapatay. Ganyan ‘yan parang sabog,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending