HINDI lamang si Pangulong Rodrigo Duterte, kundi ang kanyang anak na lalaki na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, na nasa likod ng ilang pagpatay sa probinsiya, kasama na ang bilyonaryong si Richard King, ayon sa isang dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS).
Sinabi ni Edgar Matobato, na dating miyembro ng DDS, na ipinag-utos ng vice mayor ang pagpatay noong 2014 dahil sa isang babae.
“Pinatay si Richard King doon sa Davao City. Ang nag-utos nyan si Paolo Duterte ang nag utos-nyan (Richard King was killed in Davao City. It was Paolo Duterte who ordered it),” sabi ni Matobato sa pagdinig ng Senate committee on justice and human rights, at public order.
“Ito si Paolo Duterte nagra-rival sila ni Richard King sa babae. Yung may-ari ng McDonalds, si Ochoa. Hindi ko alam ang pangalan Ma’am pero ang apelyido Ochoa,” ayon kay Matobato.
Idinagdag ni Matobato na binayaran siya at dalawang iba pa ng P500,000 para patayin ang negosyate. Sinabi ni Matobato na tinradyor din ang mga dating rebelde ng mga pulis.
Bukod kay King, sinabi ni Matobato na ipinag-utos din ni Matobato ang pagpatay sa dalawa pang ibang tao sa Davao.
“Meron kaming operation na inutos ni Paolo Duterte na Vice Mayor na (patayin) yung kagalit lang nya…” sabi ni Matobato.
Idinagdag ni Matobato na isa siya sa dalawang binayaran para patayin ang mga kaaway ng vice mayor.
“Pinasok namin sa bahay doon sila naglalaro ng tong-its, baraha,” sabi pa ni Matobato.
Sinabi pa ni Matobato na pinapatay din ng vice mayor ang isa pang tao sa isang gasoline station.
“Meron pa syang inutusan Ma’am. Yung kagalit naman nya sa gasoline station,” ayon pa kay Matobato.
“Nagalit lang sya, tumawag sa amin. Pinapatay sa amin yung isang tao dun. Hindi namin alam kung ano ang dahilan. Parang nag overtake sa pagpatubig ng sasakyan. Nagkagalit sila,” sabi pa ni Matobato.