DDS member ‘nagpasabog’ sa Senado; direktang idinawit si Duterte sa death squad
HUMARAP sa Senado ang isa umanong miyembro ng Davao Death Squad ang direktang pinangalanan si Pangulong Rodrigo Duterte na dawit sa extrajudicial killings noong ito ay alkalde pa lamang ng Davao City.
Sa kanyang pagharap sa Senate committee on justice and human rights, sinabi ni Edgar Matobato, na si Duterte rin umano ang direktang nag-utos sa kanila na pasabugin ang isang mosque at patayin ang mga Muslim noon 1993.
Si Matobato ay iniharap sa komite ni Senador Leila de Lima na siya ring chair nito, sa resumption ng pagdinig sa walang humpay na summary killings na nangyayari sa bansa.
Si Matobato ay miyembro ng Cafgu (Citizen Armed Force Geographical Unit) hanggang sa maging alkalde ng Davao City si Duterte noong 1988, at nirecruit siya sa grupong “Lambada boys. Anya, pito lang silang miyembro ng grupi noon.
“Ang trabaho namin ay pumatay ng mga kriminal katulad ng drug pusher, rapist, snatcher. Ganyan ang pinapatay namin araw araw,” he said.
Hanggang sa ito anya ay naging DDS, na siya ngayong pinaniniwalaan na nasa likod ng maraming pagpatay sa Davao City.
Noong 1993, sinabi pa ni Matobato, na dumami ang miyembro ng kanilang grupo kabilang na ang ilang rebel returnees at pulis.
Noon ding 1993 nang pasabugin ang Davao Cathedral Church ang binomba.
“Omorder naman si Mayor Duterte na masakerin yung mga moske ng mga Muslim,” pahayag niya sa komite.
“So, mayroon kayong binomba, inutos kamo ni Mayor Duterte. Pag sinabi n’yong Mayor Duterte, yung dating mayor ng Davao?” taong ni de Lima, na sinagot naman ni Motabato na “yes”, at naroroon umano siya sa silid kung saan iniutos ni Duterte ang pambobomba.
Nang tanungin kung bakit gusto ni Duterte na pasabugin ang mosque, sumagot ito ng: “Kasi parang gumaganti s’ya na binomba ang cathedral. Para na rin kaming terrorist, Ma’am, kasi hindi naman kasali yung bobombahin yung mga Musim.”
Iniutos din nito na arestuhin at patayin ang mga Muslim na suspek.
“Inaabangan namin ang mga Muslim doon, pinagdudukot namin, pinagpapatay namin, nilibing namin sa mga quarry,” dagdag pa nito.
Bukod dito, pinatay din anya nila ang isang Salik Makdum, na kanila umanoy dinukot mula sa Island City of Samal noong 2002.
Ayon pa kay Motabato, iniharap nila si Makdum sa dating Davao PAOCTF head-at ngayon ay PNP Chief Ronald de la Rosa, at saka pinatay at inilibing sa isang quarry na pag-aari ng isang pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.