Paolo kay LJ: Hindi ako nakikialam sa mga trabaho niya, I trust her!

lj reyes at paolo contis
SINALAG ni Paolo Contis ang tsismis na binabawalan na niya ang girlfriend na si LJ Reyes na tumanggap ng mapangahas na roles after ng paghuhubad nito sa Jun Lana film na “Anino Sa Likod Ng Buwan”.

Nakakuwentuhan namin ang aktor sa press launch ng bagong series ng GMA na Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Gaganap siyang good cop sa soap opera.

“That’s her work! Hindi ako makikialam sa kahit na anong trabaho niya. I trust her judgment when it comes to things.

“Pero kasi si LJ, she’s very smart. She knows, well of course, meron siyang anak. Nandiyan si Aki. Nandiyan ‘yung faith niya because she was baptized as a Christian so I trust her judgment.

“Kung sa tingin niya tama ‘yung ginagawa niya, kung sa tingin niya eh okay ‘yon, go!” katwiran ni Paolo.

Hindi na nga inililihim ni Paolo ang relasyon nila ni LJ. Palibhasa nakikita na silang magkasama in public kaya rason niya, “Basta masaya kami ni LJ. What you see is what you get. The privacy that LJ and I are working. We do not talk whatever we have. Action speaks louder than words naman, di ba? People see us out,” rason pa ng Kapuso actor.

Unang nagsama sa trabaho sina Paolo at LJ sa Sugo. Sa series na Yagit naman sila nagkakilala nang husto.

“More than a good actress, she’s a good mom. She’s a great mom and she’s very humble. Pero hindi niya ipinagmamalaki o ipinagmamayabang ‘yon.

“I think ‘yung pagiging humble niya ang kanyang gift. Kaya ‘yung drive niya to know more, to learn more, is nandiyan kasi hindi siya naniniwalang tapos na ‘yon,” pagmamalaki ni Paolo sa girlfriend.

Read more...