Balut, lechon, 13 iba pang salitang Pinoy isinama na sa Oxford dictionary

TINATAYANG  15 salitang Pinoy, na karamihan ay mga tradisyunal na pagkain at panghimagas, ang nakasama sa pinakahuling edisyon ng  Oxford English Dictionary (OED).

Kabilang sa napasama sa  pinakahuling edisyon ng OED na inilabas ngayong 2016, ang balut, kare-kare, leche flan , lechon, lechon asado, pancit at puto.
Napabilang din sa mahigit 1,000 bagong salita ang  lola, lolo, tita at  tito.
Kasama rin ang mga salitang  yaya, arnis, tabo at bayanihan.

Read more...