Mac Belo binuhat ang Gilas Pilipinas kontra Kazakhstan

GUMAWA ng 30 puntos at 11 rebounds si Mac Belo para pamunuan ang Gilas Pilipinas laban sa Kazakhstan, 98-86, para sa una nitong panalo sa Fiba Asia Challenge sa Azadi Basketball Hall sa Tehran, Iran.

Ginawa ni Belo ang 12 sa kanyang puntos sa fourth period kung saan pumasok ang Gilas na may 70-66 kalamangan.

Ito ang unang panalo ng koponan sa apat na laro at kung mananaig ito kontra Jordan sa susunod nitong laban ay makakausad ang mga Pinoy sa quarterfinal round ng 12-nation meet.

Nagdagdag naman si Ed Daquioag ng 17 puntos habang si Russell Escoto ay tumira ng 12 puntos para sa Gilas.

Read more...