Benepisyo ng magreretiro

MAGANDANG araw sa Aksyon Line! Palagi akong nagbabasa ng inyong pahayagan. May gusto po sana akong itanong sa Department of Labor and Employment tungkol sa aking nakatakdang pagreretiro ngayong December.

May 10 years din akong nagtatrabaho bilang messenger sa isang advertising company. Gusto ko lang po sana na malaman kung magkano ang makukuha ko sa aking pagreretiro? Mala-king tulong po ang makukuha ko para sa pagpapaaral sa isa kong anak na nasa 2nd year college.

Medyo late na rin kasi akong nakapag-asawa kaya sa retirement age ko ay may nag-aaral pa akong anak sa kolehiyo. Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan. Nawa ay lalo pang lumaganap ang inyong pahayagan para marami pa kayong matulungan. Salamat po!
Andres Dimaano
Brgy. Tunasan, Muntinlupa City

REPLY: BAYAD SA PAGRERETIRO
(Retirement Pay – Artikulo 3015)

A. Saklaw
1. Ang sinumang manggagawa ay maaaring iretiro sa sandaling umabot siya sa edad na 60 hanggang 65, at nakapagserbisyo nang hindi kukulangin sa limang taon.

2. Nasasaklaw nito lahat ng manggagawa maliban sa mga sumusunod:

a. Mga manggagawa ng pamahalaan;
b. Mga manggagawa na nagtatrabaho sa retail, service at agricultural na establisimento na palagiang hindi lalampas sa 10 manggagawa ang nagtatrabaho

3. Kabuuang Halaga ng Bayad sa Pagreretiro:

Ang kabuuang halaga sa bayad ng pagreretiro ay katumbas sa kalahating buwang sahod sa bawat taon ng pagseserbisyo, ang katumbas ng hindi bababa sa anim na buwang pagseserbisyo ay dapat ituring na isang taon sa pagtutuos ng bayad sa pagreretiro.

Para sa pagtutuos ng bayad sa pagreretiro, ang mga kabilang sa kalahating buwang sahod ay binubuo ng mga sumusunod:

1. Labinlimang araw na sahod batay sa pinakahuling salary rate.
2. Katumbas na halaga ng limang araw ng service incentive leave.
3. Ikalabindalawang (1/12) bahagi ng 13th Month Pay. (1/12 x 365/12 = .083 x 30.41 = 2.52)

Samakatwid, ang “kalahating buwang sahod” ay katumbas ng 22.5 na araw

Kabuuang Bayad sa Pagreretiro = Arawang Sahod x 22.5 days x bilang ng taon sa pagseserbisyo.

Ang ibang benepisyo ay maaaring isama sa pagtutuos ng bayad sa pagreretiro batay sa kasunduan ng manggagawa at maypapagawa o kung ito ay itinakda sa Collective Bargaining Agreement (CBA).

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...