Pasaway na male star nangakong magbabago na | Bandera

Pasaway na male star nangakong magbabago na

Cristy Fermin - September 14, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM 0715 HILING ng kanyang mga katrabaho ngayong artista at production staff na sana nga’y nagbago na sa kanyang dating gawi ang isang magaling pa namang aktor.

Sana nga raw ay nauntog na siya sa katotohanan na magaling man siyang umarte, kung palagi naman siyang pinoproblema ng produksiyon, ay walang mangyayari sa kanyang career.

Kung matatandaan ay palaging problema ng produksiyon ang magaling na aktor na ito na mula sa pamilya ng mga artista. Nagsisimula na ang taping ay hindi pa siya makontak ng mga production staff, pinapatay niya ang kanyang telepono, walang nakakaalam kung darating ba siya sa taping o hindi.

Palagi siyang late, kailangan nang kunan ang mga eksenang kasama siya pero hindi ‘yun magawa-gawa, dahil wala pa nga siya. Wala siyang kapaguran sa panghihingi ng sorry sa lahat ng kanyang mga katrabaho.

Pero pagkatapos nang mahaba-haba ring panahon ay pinagbigyan ng network ang hiling ng kanyang manager, may bago na naman siyang teleserye ngayon, nangangako ang aktor na magbabago na siya.

Kuwento ng aming source, “Magiging professional na raw siya, hindi na raw niya bibigyan ng sakit ng ulo ang production staff, maaga na raw siyang magre-report sa set.

“Siyempre, maraming hindi naniniwala sa pangako niya, it remains to be seen pa nga naman, gusto muna nilang makita ang pagbabago ni ____ (pangalan ng magaling at guwapong aktor na miyembro ng isang malaking pamilya ng mga artista).

“Matagal na kasi niyang sinasabi na magbabago na siya, pero hindi niya naman ‘yun ginagawa. Puro promise lang siya, kaya sana naman ngayon, e, magbago na talaga siya.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kapag inulit pa rin niya ang pagiging late palagi sa set, e, siguradong sisisid na nang malalim ang kanyang career!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending