LizQuen sikat na sikat na rin sa ibang bansa

liza soberano at enrique gil

MAGANDA naman ang nasagap naming tsika mula sa kaibigang Ogie Diaz tungkol sa international career na naghihintay para sa alaga niyang si Liza Soberano.

Nabalitaan naming pinu-push ng Kapamilya network na mabigyan ng exposure internationally ang ilang may mga chance sa foreign scenes like Liza, na lately nga ay laging napapansin ng mga sikat na international artists dahil sa pambihirang karisma at ganda nito.

We are so happy about this news. For sure, super proud din si Quen (Enrique Gil) sa kanyang rumored girlfriend.

Pero mas maganda siguro kung pati si Enrique ay makasama sa mas bonggang journey na ito para dala-dala pa rin nila ang LizQuen kahit pa mapadpad pa sila sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi naman ito imposibleng mangyari dahil sikat na sikat na rin ang loveteam ng dalawang Kapamilya stars sa ibang bansa dahil nga ipinalalabas na rin doon ang kanilang mga teleserye, ang Forevermore at ang Dolce Amore.

Read more...