Sulat mula kay Joana Marie ng Matalava East, Lingayen, Pangasinan
Dear Sir Greenfield,Maraming beses na akong nabigo sa pag-ibig at sa ngayon sa edad kong 32, may boyfriend ako at dahil nasa tamang edad na ako gusto ko na sanang mag-asawa. September 14, 1984 ang birthday ko at ang boyfriend ko naman ay January 17, 1988 ang birthday. Gusto ko po sanang malaman kung compatible ba kami? At kung kami na ang magkakatuluyan, ayaw ko na kasing matulad siya sa mga dating naging boyfriend ko na bigla na lang nawawala. Siya na ba ang mapapangasawa ko at kapag kami ang nagkatuluyan, magiging masaya at magiging pang habang buhay ba ang aming pagsasama?
Umaasa,
Joana Marie ng Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Pangit kasi at magulo ang una hanggang gitnang bahagi ng Heart Line (Drawing 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, pero sa bandang gitna hanggang dulo, gumanda at naayos na ang nasabing Heart Line (arrow 2.). Ibig sabihin kahit na maraming kabiguang nagdaan sa buhay mo sa pag-ibig at pakikipag-relasyon, pagtuntong mo ng edad 32 tuluyan ka na ngang makakasumpong ng isang wagas, maligaya at pang habang buhay na pag-ibig.
Cartomancy:
King of Hearts, Ten of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang taon mula ngayon, habang patuloy ang relasyon ninyo ng boyfriend mo, walang duda, siya na ang mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Itutuloy…..