Daniel, Kathryn ginulat ang PBB teen housemates

kathryn bernardo at daniel padilla

NAG-TRENDING sa social media ang pagpasok nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Pinoy Big Brother house nitong Lunes at Martes na ikinabigla at ikinakilig din ng mga teen housemates.

Sa utos nga ni Big Brother, nag-prepare ng breakfast ang KathNiel para sa housemates. Magpi-pretend sana si Daniel na doon natulog sa room ng mga boys pero nagising na ang mga housemates habang inaayos niya ang kanyang tulugan.

Kinausap naman ng mga lalaking housemates si Kathryn para planuhin ang sorpresa nila para sa mga girls. Ngunit nagising agad ang mga babaeng housemates at nabigla nang makita si Kath habang pumapasok sa loob ng kwarto ng female housemates sa Bahay Ni Kuya.

Kinilig ang mga ito nang makipag-usap na sa kanila ang girlfriend ni Daniel. Sinabi ni Kathryn na hindi niya nakasama si Daniel sa pagdalaw niya sa PBB na parang ikinalungkot agad ni Maymay. Pero bigla itong nagwala nang masilip si DJ sa labas ng kwarto at mabilis na lumapit sa binata at yumakap nang mahigpit.

Read more...