Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Zamboanga del Norte, ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:35 ng hapon.
Ang sentro nito ay 16 kilometro sa silangan ng bayan ng Leon B. Postigo. May lalim itong 16 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Leon B. Postigo. Intensity I naman sa bayan ng Sindangan.
MOST READ
LATEST STORIES