MALUHA-LUHA si Ai Ai delas Alas sa bagong karangalang natanggap niya mula sa EDUK Circle. Mula ito sa mga dean, professor at students na bumoto sa kanya sa social media bilang Most Influential Film Actress of the Year.
Pinost ni Ai Ai ang video niya sa Instagram habang nagbibigay ng speech. Then, heto ang caption niya ng pasasalamat.
“Naluluha ako kasi sa edad kong 18 nakakakuha pa ako ng award galing sa mga kabataan. Promise ko that I will continue to be a good actress and comedienne to make them happy and still learn and improve more my craft para lalo ko pang mapasaya d lamang mga kabataan kungdi buong pilipinas—again maraming salamat sa award na ito. TO GOD BE THE GLORY #influentialactressoftheyear2016.”
Pinasalamatan din ng Comedy Queen si Bossing Vic Sotto, Al-Dub loveteam, direk Joey Reyes at producers ng “My Bebe Love”. Siyempre, hindi niya nakalimutan na ialay ang award sa apat na anak at darling niyang si Gerald Sibayan.
Sa Sept. 17, abangan din ang banggaan sa stage ng KIA Theater nina Ai Ai at Lani Misalucha. Hopefully, mapili rin sa film festival ang kanyang “Our Mighty Yaya” under Regal Entertainment. Congrats, Miss Ai Ai!