KALIWA’T kanang panlalait na naman ang inabot ni Claudine Barretto matapos siyang mag-post ng ilang mensahe sa kanyang social media account.
Ayon sa aktres, malapit na raw siyang magkaroon ng bagong programa sa TV at malapit na ring lumabas ang kanyang tell-all book kung saan mababasa ang marami pang detalye sa kanyang personal na buhay na hindi pa nalalaman ng publiko.
Maraming naniniwala na gimik lang daw ni Claudine ang latest IG post niya dahil ang totoo raw ay nagpapapansin na naman ito para magpakontrobersyal. Hindi raw naniniwala ang mga basher na may bago siyang project. May tumawag din sa kanya na “liar”.
Agad namang rumesbak si Claudine sa kanyang bashers at sinabing hindi na raw nakakarating sa kanya ang mga pambabastos ng mga negang netizen.
“Sa mga bashers po ‘di po aabot yung pangba-bash ninyo dahil may taga-screen po ako kaya sayang lang ang oras ninyo,” ang ipinost na mensahe ng aktres sa IG.
Bukod dito, tinira rin ng sisteraka nina Marjorie at Gretchen Barretto ang ilan niyang mga kaibigan na nangnenega rin sa kanya pero hindi niya pinangalanan ang mga ito.
Banat ni Claudine, “Pagpasensyahan mo na lang yung mga new bashers… Mga dati kong kaibigan diyan na Pekeng asawa, Pekeng kaibigan, at higit sa lahat PEKENG BAGONG KRISTIYANO DAW.”