‘Trisikad’ driver dakma sa bomb joke

trisikad-driver

CEBU CITY—Isang 19-anyos na ‘trisikad’ driver ang inaresto ng pulisya kahapon ng umaga matapos mag-bomb joke sa loob ng mall sa B. Rodriguez Street, Cebu City.
Kinilala ang inarestong driver na si Carl John Sacal, residente ng barangay Sambag 2.
Ayon sa pulisya, kinuha diumano ni Sacal sa kanyang bulsa ang bluetooth speaker, at ipinakita sa mga gwardiya sa mall entrance at sinabing : “Nara o nagdala kog bomba. (Look, I’m bringing a bomb).”
Dahil dito, dali-dali siyang binitbit ng mga gwardiya sa security office.
Itinawag naman ng head security ng City Soho Mall sa pulisya ang insidente, at inaresto ang driver.
Naganap ang pagbibiro ng suspek tatlong araw matapos na isang babae rin ang inaresto dahil sa bomb joke sa isa ring mall sa Cebu City.
Kasong violation ng Presidential Decree 1727 o Bomb Joke Law ang isinampa laban sa dalawa.
Mariin namang itinanggi ni na nag-bomb joke siya. Anya sinabi lang niya sa kanyang mga kasamahan na ilalabas lang niya ang kanyang pocket bluetooth speaker sa harap ng mga security guard dahil baka akalain ng mga ito na ito ay bomba.
“I know making a bomb joke is prohibited. I won’t do anything like that,” paliwanag pa ni Sacal.
Pansamantalang nakadetine sa Fuente Police Station ang suspek.

Read more...