Duterte nagtalaga na ng bagong PCSO Chair at General Manager

rodrigo duterte

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Philippine National Police (PNP) general Jose Jorge E. Corpuz bilang bagong Chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office at si dating Marine Major Gen. Alexander Balutan bilang PCSO General Manager.

Pinalitan ni Corpuz si dating PCSO chairman Erineo Maliksi,  samantalang si Jose Ferdinand Rojas II naman ang papalitan ni Balutan.
Pormal na nanumpa sina Corpuz at Balutan kay Duterte, kasama ang iba pang mga itinalagang opisyal.
Nauna nang sinabi ni Duterte na talamak ang korupsyon sa PCSO.

Read more...