NILAGLAG ni Indonesian President Joko Widodo si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na magbigay ng go-signal para bitayin na ang Pinay na si Mary Jane Veloso.
“President Duterte has given the go-ahead to proceed with the execution,” sabi ni Widodo batay sa ulat ng Antara news agency sa Serang, Banten.
Idinadag ni Widodo na susundin ang ligal na proseso ni Attorney General M. Prasetyo.
“I have explained to [Duterte] about Mary Jane’s situation and I told him that Mary Jane [has been found guilty] for carrying 2.6 kilograms of heroin. I also told him about the delay in the execution during the meeting,” sabi ni Widodo.
Naaresto si Veloso sa Adisucipto Airport sa Yogyakarta noong Abril 2010.
Nag-usap sina Duterte at Widodo matapos ang official visit ng una sa Indonesia pagkatapos na dumalo sa Association of Southeast Asian Summit (Summit) noong isang linggo.