AYON mismo sa PNP, halos 3,000 na ang death count. Mula sa bilang na ito, 1,466 ang napatay ng pulisya habang 1,490 naman ang biktima ng summary killings, salvage o “deaths under investigation.
Naungusan na ni Duterte ang drugs war ni ex-Prime Minister Thaksin Srinawatra ng Thailand noong 2003, na umabot sa 2,800 drug dealers ang nasawi sa loob ng apat na buwan.
Pero, iba talaga sa atin, tingnan ang bilang ng mga nahuli at sumukong “pusher”. Ang arestado sa police operations ay 16,205 drug suspects samantalang 52,568 “self confessed drug peddlers” ang sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang. Sa kabuuan, halos 68,000 katao ang mga tulak.
Ang mga bilang na ito ang patunay na masyadong talamak na ang shabu sa lahat ng bara-ngay. Tingian na ang bi-lihan nito, sa tindahan, bilyaran, palengke o maging sa mga pondohan ng tricycle.
At ang mga bahay ay ginagawa pang “kiosks” o “drug den”. “Sekator” ang tawag o P14 isang sachet na para bang shampoo na lamang kung bilhin.
At ang masakit, ang source ng shabu ay mga ninja cops sa katabing presinto. Mga ninja cops na siyang nagmamando ng “drug retail apparatus” sa barangay, bayan o lungsod kahit pa mara-ming masiraan ng ulo dahil sa synthetic na shabu. Pera-pera lang.
Kung paniniwalaan ang isang PNP source, umaabot daw sa 12,500 na pulis ang sangkot sa illegal drugs, mula sa lahat ng ranggo mula he-neral, koronel, kapitan, tenyente hanggang, P02, P01. Isipin ninyo, 8 porsiyento ng kabuuang 160,000 PNP na kung tutuusin, walo sa 100 pulis ang sangkot sa droga.
Meron akong natatanggap na sa maraming police station sa NCR, gumagamit na sila ng kontra senyas dahil nasa pwesto pa rin ang mga narco-cops.
Kaya naman itong mga arestadong 16,205 drug pushers at ang 52,568 self-confessed at sumukong drug pushers bumubuo ng kanilang drug apparatus ang unang na-exposed.
Siyempre, sa pagsuko o pagkakahuli, itinuro nila kung sino ang kanilang source ng droga, at ang lumitaw siyempre ay mga pulis din. At dahil diyan, rumeresbak nga-yon ang itinurong mga pulis para burahin ang ebidensya laban sa kanila.
Nagtataka pa ba tayo kung bakit kahit nasa 3rd floor o kaya’y tulog kasama ang pamilya ang target na pusher ay i-naakyat at pinapatay pa rin ng mga naka-bonnet na killer?
Talagang sinisigurong patay at walang pakialam kung may madamay. Nagtataka ba tayo kung bakit pati tricycle driver ay pinapatay ng mga di kilalang tao? Iyong mag-asawa sa Antipolo? Iyong lolo sa Dagupan at napakaraming iba pa na dating mga tauhan o runner ng mga ninja cops.
Pero, kapansin-pansin na halos pumapantay na ang namamatay sa “police operations-1,466” sa “summary executions-1,490”. Hindi kaya dahil sa umigting na ring pagpatrulya ng mga lehitimong pulis sa gabi? Noong nakaraang linggo, tatlong lalaki sa Las Pinas ang napatay at natuklasan ang isang “salvage victim” sa loob ng kanilang sasakyan na posibleng itatapon. Idagdag pa riyan ang mga “riding in tandem” na napapatay sa QC at Maynila.
May 110 days pa bago matapos ang 2016 at tapos na rin ang six months self imposed deadline ni Duterte. Ibig sabihin niyan, mula ngayon, merong 4,400 drug suspects ang hindi aabot ng bagong taon.
Para sa komento o tanong, mag-text sa 09163025071 o sa 09999858606.
40 tulak tigok araw-araw kay Digong
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...