Sulat mula kay Rowie ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang single mom, pero kahit na may anak na ako hindi ako naghinto sa pag-aaral, sinikap kong makatapos at sa tulong ng mga magulang ko at mga kapatid ko na hindi ako pinapabayaan, ay nakatapos naman po ako ng Accountancy at sa kasalukuyan nagse-self review ako para sa CPA examination. Sa susu-nod na taong 2017 o kaya’y 2018 depende sa pakiramdam ko kung kaya ko nang makapasa ay balak ko ng mag-take ng CPA board e-xam. Nais kong malaman kung susuwertehin ba akong makapasa sa 2017 o sa 2018. Alin taon ang mas suwerte sa akin, 2017 po ba o 2018? At gusto ko rin pong malaman kung may magandang love life pa kaya akong mararansan kahit na ako ay single mom sa kasalukuyan? October 15, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Rowie ng Gen San City
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Makapal at malinaw ang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa susunod na taong 2017, walang duda mada-ling-madali lang sa career mo at sa iyong kapalaran na makapasa sa CPA board e-xam, sapagkat nakatakda na sa iyong tadhana – ang ma-ging isang Certified Public Accountant.
Cartomancy:
Bagamat suwerte ka sa career ang barahang King of Spades ay nagsasabing hindi ka naman basta-basta o agad-agad na susuwertehin sa pag-ibig. Sa halip, ang mga barahang King of Spades, King of Hearts at Queen of Clubs ang nagsasabing mabibigo ka muna sa una at ikalawang pakikipag-boyfriend o sa una at ikalawang pakikipag-relasyon hanggang duma-ting ang ikatlong lalaking magdudulot sa iyo ng isang pang-matagalan at wagas na kaligayahan na may initial na A.S.
Itutuloy….
Makakapasa ba CPA board exam?
READ NEXT
The faith of the centurion
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...