Horoscope, September 12, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Lunes ngayon at holiday! Magsimba muna bago mag-celebrate ng iyong kaarawan. Sa ganyang paraan, susuwertehin kang lalo sa pag-ibig at pinansyal. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Bukod sa red ang violet ay buenas
Aries – (Marso 21-April 19)— Habang malayo pa ang pasko, ngayon pa lang unti-unti ka ng mag-ipon ng pang regalo upang pagdating ng Pasko, hindi ka nagru-rush at laging nagmamadali. Sa pag-ibig, iplano nyo na ng iyong kasuyo ang isang simple pero maka-buluhang pagdriwang sa araw ng kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimu-Soph-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag magtiwala sa isang taong nagbabait-baitan. Bago maglabas ng malaking halaga. Isipin muna ng 10 beses may babala na maloko ka na naman. Sa pag-ibig, mas masarap karelasyon ang mga payat sa kanila ka makakaraos ng husto. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Araanam-Om-Kabalam.” Blue at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Silver ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran, laging magsuot ng ganitong dekorasyon sa katawan. Sa pag-ibig, hindi ka tatablan ng anumang kabiguan kung magsusuot lagi ng silver na pendant na may nakalawit na hugis puso. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silve ang gray ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Iwasan ang haling na relasyon upang hindi mapahamak. Kung makikipag-relasyon sa maling nilalang, dapat mo siyang pagkaperahan. Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang darating na kapaskuhan. Mapalad ang 7, 19, 28, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om-Govinda.” Green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag kang ma-epal, dahil ang kayabangan mo ang maaaring magpahamak sa iyo sa susunod na mga araw. Sa halip, kung patuloy sa pagiging low profile mas malaking tagumpay at magandang kapalaran masusungkit. Mapalad ang 4, 13, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Ketu-Om.” Gold at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag malungkot kahit hindi natapos ang ginagawa, may bukas pa naman! Yan ang katuwiran ng mga tamad, na hindi mo dapat tularan. Sa halip, may bukas man o wala, kailangang tapusin mo na ngayon ang mga gawain. Sa ganyang paraan mas madali kang uunlad. Mapalad ang 8, 14, 23, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Itigil ang madalas na pagpe-facebook. Sa halip panahon na upang mag-isip ng pagkakakitaan. Sa pag-ibig lihim na mangingiti ang kasuyo kapag sinabi mo sa kanyang “Love hindi na ko addict sa FB.” Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Um.” Pink at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Laging makiumpok sa lipunan dahil sa susunod na mga araw sa mga kaibigan manggagaling ang malaking halaga ng salapi ng hindi inaasahan. Sa pag-ibig, isang matabang nilalang ang lihim na nagnanasa sa iyo. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhar-Masya-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng sisihan! Akuin ang pagkakamali ng mga kasama upang matapos na ang debate. Ganyan talaga ang magaling na leader na tulad mo – nagsasakripisyo! Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Red at gray ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Maraming salapi ang darating wag sayangin! Pagkakataon mo ng mag-saving para sa future. Sa pag-ibig, sawayin ang kasuyo kapag bili ng bili ng mga bagay na hindi naman nagtatagal, sa halip paglipas ng panahon nagiging kalat lang sa bahay. Mapalad ang 1, 5, 14, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Aum-Sandhapa-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi totoong masama kang magalit, ang totoo masama kang mag-mahal. Iwasan ang ganyang kahibangan upang sa susunod na pakikipag-relasyon ay lumigaya ka na habang buhay. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Red at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—May kakaharapin na namang suliraning may kaugnayan sa salapi. Wag ka kasing utang ng utang na hindi mo naman kayang bayaran. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Yellow at white ang buenas.

Read more...