TODO ang pasasalamat ni Daniel Padilla sa direktor nila ni Kathryn Bernardo sa pelikulang “Barcelona” ng Star Cinema matapos ngang sabihin ni Inang Olive Lamasan na siya na ang next Aga Muhlach.
Sa interview ng ABS-CBN sa binata, hiningan siya ng komento tungkol sa sinabi ni direk Olive, natatawang pahayag ni DJ, “Siyempre nakakahiya kay Aga Muhlach. Ha-hahaha!
“Siyempre ano, alam mo naman itong si Aga Muhlach napakalupit na tao, napakaga-ling umarte. And para sabihin niya na next daw ako, thanks Inang! I love you so much!”
Si Inang ang nagdirek ng classic movie ni Aga na “Sana Maulit Muli” with Lea Salonga noong 1995.
MOST READ
LATEST STORIES