Kahit bading na bading si JC Santos ang super yummy niya!’

JC SANTOS

JC SANTOS

SANDALI naming nakahuntahan ang bagong third party sa tambalang JaDine na si JC Santos bago ang press night ng “Ako Ni Josephine The Musical” sa PETA Theater.

Si JC ang pinag-uusapan ngayon ng mga manonood dahil sa gay character niya sa Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre, at aminado siyang overwhelming ang feeling na mas marami na ang nakakakilala ngayon sa kanya.

“Dati halos wala namang pumapansin sa akin, ngayon iba na po. I’m of course very thankful pero for me this is all part of the work. For as long as nagagawa at nade-deliver ko po ang dapat, happy na ako,” sey ng dating indie at stage actor na napapansin nga ang husay sa pagganap sa Till I Met You.

Very confident daw siya sa kanyang pagkatao, sa kanyang sekswalidad kaya’t no big deal o hindi magiging isyu sa kanya kung sakali mang marami ang makumbinsi na siya ay isang bading, as his role Ali role calls for it.

“Masaya nga na marami kang napapasaya, di po ba? Maraming maraming salamat talaga,” hirit pa ni JC nang sabihin namin sa kanyang sa mundo ng LGBT ay delicious na delicious ang aura niya.

Marami raw mga kaibigan sa musical play na “Ako Si Josephine” si JC kaya’t gusto niya itong suportahan, “Dito rin po ako galing at proud ako na lumalaki na ang audience for this kind of entertainment,” sey pa nito.

Read more...