Eugene na-touch sa sulat ng isang batang fan

EUGENE DOMINGO

EUGENE DOMINGO

SOBRANG na-appreciate ni Eugene Domingo ang sulat sa kanya ng isang batang fan para iparating ang pagpapasalamat sa komedyana. Nagsisilbing inspirasyon daw kasi si Uge sa kanya na hindi lang pagpapatawa sa programang Dear Uge ang ipinamamalas.

Ipinagmalaki naman ni Eugene sa kanyang Snapchat at Instagram account ang sulat na ‘yon ng bata.

Aniya, “I found this today. Bless the child who appreciates and shares her dreams.”

Sa ngayon, balik-pelikula rin si Uge sa sequel ng “Ang Babae Sa Septic Tank 2” na balak isali ng Quantum Films sa 2016 Metro Manila Film Festival sa December.

Read more...