ITINALI na ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang Artista Academy grand female winner na si Sophie Albert sa eight-picture movie contract sa Regal Entertainment.
Ang director na si Joel Lamangan ang bibinyag sa acting debut sa movie ni Sophie na under co-management ng DMV Entertainment with Star Magic.
Wala nang kontrata sa TV5 si Sophie na dumiskubre sa kanya sa artista search. Naging boyfriend niya ang male grand winner na si Vin Abrenica at tumagal din sila ng three years.
“Nag-uusap pa rin naman kami. Hindi naman siya ‘yung parang nawala. We’re starting to get older na at walang masyadong nangyayari sa career namin. So parang we need to establish ourselves as something, to prove ourselves,” pahayag ni Sophie bago simulan ang contract signing.
Bakit siya natagalang umalis sa TV5? “Actually, hindi lang naman ako. Pero merong iba pa roon.
Nagpapapayat kasi ako,” tugon niya.
Naging daan ang pamangkin ni direk Manny Valera upang mapunta siya sa DMV talents simula nu’ng Hulyo.
Tiyahin ni Sophie si Kris Aquino. Hindi ba niya hiningan ng tulong ang TV host upang mapagbuti ang career niya nang manalo sa Artista Academy?
“Actually never siyang nag-cross sa mind ko. I really want to make it on my own and to be able to prove myself na ako ang gumawa. Kung ibang tao ang mag-i-spoonfeed sa akin ng daan, parang I won’t really feel na accomplished person.
“Kung ano ang magagawa ko, parang hindi siya ganoong achievement kung may ibang gumawa ng way para sa akin,” paliwanag ni Sophie.
Close ba sila ni Kris? “Actually, ang akala nila magpinsan kami. But she’s my tita. ‘Yung dad at siya ang first cousin. My dad is a Cojuangco-Reyes,” pagtatama ng bagong Millenial Regal Baby. “So sila ang mag-cousin,” dagdag niya.
Kumusta na ang daddy niyang may sakit “My dad is still the same. He’s okay. Biglang nawala ang sakit niya and now, he’s back to normal,” chika niya.
Komo nga napansin ni Roselle na payat na si Sophie, puwede na nila itong bigyan ng variety roles. Ayon kay Sophie, limitless siya sa pagtanggap ng roles at handa rin siyang magpaseksi sa big screen, huh!