James reid ‘pambansang ulam’ ng mga beki; JaDine mabenta rin sa mga bata

nadine lustre at james reid

‘YUN pala ‘yun! Paborito ng aming bunsong anak na si Bulak ang tambalang JaDine. Kinikilig-kilig pa ang sampung-taong gulang na si Bulaklak Mandela kapag nababanggit ang mga pangalan nina James Reid at Nadine Lustre.

Nu’ng isang gabi ay nakisilip kami sa pinanonood nito, ang Till I Met You, nagkukulubong pa ng kumot si Bulak sa mga eksena ng paborito nitong loveteam.

May karapatan naman palang sumikat ang tambalang JaDine, dahil bukod sa guwapong-guwapo na si James Reid at makarisma naman si Nadine ay nakaaarte sila na may kahalong pampakilig sa kanilang mga tagahanga, may sikreto ang kanilang tambalan.

Walang mali sa mukha ni James, parang iginuhit ng tadhana ang kanyang mga kilay, ngayon ay alam na namin kung bakit itinuturing siyang “ulam” ng mga anak-anakan naming becki.

Napansin din namin ang isang aktor sa serye na nakaaarte rin at malakas ang rehistro sa mga camera, ngayon lang namin ito nakita, JC Santos pala ang pangalan ng gumaganap na becki sa Till I Met You.

Ayon kay Ogie Narvaez Rodriguez na pinagtanungan namin ng pangalan nito ay magaling palang aktor ng entablado at mga indie movies si JC Santos.

Ngayon ay may sagot na kung bakit kinikilig ang aming bunso kina James at Nadine. May dahilan naman pala. Malakas nga ang dating ng loveteam na ito sa harap at likod ng mga camera.

Read more...