Liza pinaglilihian ng mga buntis; no.1 sa mga boys

liza soberano

ISA sa dream project ng international fashion designer na si Francis Libiran ang magawan ng wedding gown si Liza Soberano.

Sa panayam ng ABS-CBN sa magaling na designer, na magkakaroon ng fashion show titled “Francis Libiran Bridal” para sa mga brides-to-be, sinabi nitong gustung-gusto niyang damitan ang rumored girlfriend ni Enrique Gil.

Si Francis ang gumawa ng gown ni Liza para sa wedding scene nila ni Enrique sa katatapos lang na serye ng magka-loveteam sa ABS-CBN na Dolce Amore.

“Si Liza ay maganda at very elegant. Iba ang tindig ng batang ito. Talagang believable na isa siyang magandang bride.

“Sana pag dumating ang panahon na ikakasal na talaga siya magawan ko siya ng gown. Pero matagal pa yun dahil batang bata pa siya,” pahayag ni Francis sa interview ng ABS-CBN.

Samantala, talaga namang pang-international ang beauty ni Liza kaya naman patuloy na dumarami ang mga lalaking nagpapantasya sa kanya. Karamihan nga sa male admirers ng dalaga ay mga estudyante na inggit na inggit kay Enrique.

Sa mga nababasa naming survey sa social media, hindi nawawala ang pangalan ni Liza sa top pick ng mga kalalakihan at katomboyan na pinakamaganda at pinakamaseksing local celebrity ngayon.

Kahit ang mga buntis naming kakilala ay si Liza ang gustong paglihian dahil sa classic beauty ng dalaga. Nais daw nilang maging kamukha ng aktres ang mga baby nila.

Kahit nga ang mga foreign celebrities tulad ng international singer na si Charlie Puth ay nabibighani sa taglay na karisma ni Liza. Bukod kasi sa taglay na kagandahan, ay napakapositibo rin ng kanyang vibes.

If you happen to see her, ang makikita mo sa kanya ay imahe ng isang dalagang may tiwala sa kanyang sarili pero nagra-radiate ng aura ng kabutihan.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit mabentang-mabenta ngayon ang dalaga sa mga advertiser. Ang pagkakaroon ni Liza ng positibong pananaw sa buhay at willingness to learn ay mga factors din that make her an excellent product endorser. Her positive outlook is definitely a plus factor.

Napapanatili niya ang kanyang magandang imahe sa showbiz. Hindi siya nakikisali sa anumang kontrobersiya na makakasira sa kanyang magandang pangalan at positive vibe. Para sa kanyang mga tagasubaybay, perfect role model ang dalaga.

For these reasons, unanimous ang pagkakapili sa kanya ng Metrobank Card, Inc. para maging brand ambassador ng Yazz Prepaid Card. Para sa makers ng Yazz Prepaid Card, perfect para sa kanilang campaign ang wholesome personality ni Liza. She is young, vibrant, talented, and is admired by many for the positive vibes that she exudes.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Yazz Prepaid Card, mag-log on sa www.yazzcard.com o i-follow ang kanilang social media accounts sa Facebook, Twitter at Instagram at @yazzcardPH.

Read more...