ITINAON sa 50th birthday ni Jackie Ejercito ang oathtaking niya bilang bagong talagang Chairman ng MARE Foundation na sinimulan ng amang si Manila Mayor Joseph Estrada at ipinagpatuloy ng inang si Dr. Loi Ejercito Estrada.
Kamakalawa sa San Andres Sports Complex, sinaksihan ng libu-libong Manileño ang pagpirma ng higanteng Board Resolution ng MARE bilang pagtatalaga kay Jackie as Chairman. Lubos na nagpasalamat si Dr. Loi sa bagong pamunuan ng foundation na hinawakan niya for 20 years.
Present si Manila Mayor Erap sa oath taking at turn over ceremonies na ‘yon. “Naaalala ko, laging sinasabi ng aking ama, mamamatay, mabubuhay si Erap, hindi makakabayad sa utang na loob sa masang Pilipino.
“Kaya tinanggap ko ang tungkulin bilang Chairman ng MARE Foundation para ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulan. It will alsoi be an opportunity for me to bring more smiles to children and the elderly, to help more mothers become productive and to guide the youth in the formation of proper values in life.
“Mga minamahal na miyembro ng MARE, ang hangad kop o para sa atin ay bawasan ang puwang sa pagitang ng mayaman at mahirap. Bilang Chairman ng MARE Foundation, ituring ninyo ako bilang si Ate Jackie na gaya ng karamihan sa inyo, ako ay isa ring ina na laging iniisip ang kapakanan ng anak.
“Lahat tayo ay pantay-pantay sa hangarin nay an. Kaya’t ang hiling kop o sa inyo ang makiisa at magtulungan tayo sa lahat ng proyekto ng MARE. Sama-sama tayo po sa pag-angat sa kalagayan n gating pamilya at n gating kapwa.
“This is the mission of MARE Foundation to continue and expand our services of medical missions, to assist in livelihood and enterprising efforts. To offer reliefs to all who will fall victims of disaster and to help in educating the poor.
“Higit sa lahat magkaisa tayo na magdasal sa Maykapal para maging matatag tayo s amga pagsubok at gawin tayong daan para mabigyan ng bagong pagasa.
“Bilang panghuli, iiwanan ko sa inyo ang paboritong quotatiomn mula sa bagong canonized na saint, si Saint Mother Teresa of Calcutta. ‘You have never really lived until you have done something for someone who can never repay you.’ Walang kabuluhan an gating buhay kungdi tayo magmamalasakit sa kapwa.
“Mabuhay ang MARE Foundation! Mabuhay ang Maynila!” saad ni Jackie sa kanyang speech.
Bilang regalo, namigay ng wheel chairs, sewing machines, pagkain at groceries ang MARE Foundation sa mga dumalo sa okasyon ‘yon.