Bus sumirko; 23 sugatan

bohol

SUGATAN ang 23 katao nang bumaliktad ang sinasakyan nilang bus dahil sa madulas na kalsada sa Garcia-Hernandez, Bohol.
Ayon kay PO3 Elvan Cadiz, ng Garcia-Hernandez Police Station, patungo ang Southern Star sa Tagbilaran City nang mangyari ang aksidente alas-6:10 ng umaga kahapon.
Ayon sa ulat, pumara ang isang pasahero nang sumapit ang bus sa Brgy. West Canayaon.
Nawalan naman ng kontrol ang driver na si Jojit Bete sa minamanehong bus kaya bumaliktad ang sasakyan. Lumubog ang bahagi ng bus sa palayan.
Dinala ang mga sugatang pasahero sa Teodoro B. Galagar Memorial Hospital sa Jagna.
Nakalabas ang 22 biktima habang naiwan ang isang matandang babae na inireklamo ang kanyang likod.

Read more...