Sara Duterte nakunan, dalawa sa triplets nalaglag

sarah duterte

NAMATAY ang dalawa sa tatlong triplets na pinagbubuntis ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos siyang makunan.
Ayon sa isang source sa City Hall, isang tibok na lamang ng puso ang naririnig, imbes na tatlo.
Idinagdag ng source na nadiskubre ng Mayor ang kondisyon ng kanyang mga pinagbubuntis noong Lunes matapos siyang pumunta sa lamay ng 27-anyos na nurse na si Kristia Bisnon. Si Bisnon ang tumayong pribadong nurse ni Duterte nang siya ay ma-ospital noong Hulyo.
Namatay si Bisnon sa pambobomba sa Roxas Night Market noong Setyembre 2.
Dumalo ang mayor ng first flag-raising ceremony sa City Hall noong Lunes.

Read more...