NU Bulldogs ginapi ang UE Red Warriors; DLSU Green Archers nakalusot sa FEU Tamaraws

BINUHAT ni Alfred Aroga ang National University Bulldogs kontra University of the East Red Warriors, 72-66, sa kanilang debut game sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi napigilan ng mga Red Warriors si Aroga na nagawang mamayagpag sa laro sa pagtala ng 16 puntos, 13 rebounds at limang blocks.

“I expected it to become a very, very tough game. UE is a Final Four team,” sabi ni NU head coach Eric Altamirano.

Pinamunuan ni Bon Batiller ang Red Warriors sa ginawang 18 puntos.

Sa ikalawang laro, nalusutan naman ng De La Salle University Green Archers ang Far Eastern University, 83-78.

Kumamada si Jeron Teng ng game-high 28 puntos, kabilang ang mga krusyal na basket sa huling bahagi ng laro, para pangunahan ang Green Archers.

Read more...