BIGLANG kumambyo ang controversial actor na si Baron Geisler sa ginawa niyang paghahamon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa anak nitong si Baste na sabay-sabay silang magpa-drug test para magkaalaman na.
Tila nabahag nga ang buntot ng aktor matapos mag-post ng kung anu-ano sa kanyang social media account tungkol sa ginagawang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga sa bansa.
Nag-issue ng public apology si Baron kasabay ng pagdi-delete ng isang video na ibinandera niya sa kanyang Instagram at Facebook account kung saan nga mapapanood ang ginawa niyang paghahamon sa mag-amang Duterte.
“In the past few weeks, there may have been some things that I’ve said in haste,” sey ni Baron sa kanyang official statement. Paliwanag pa ng aktor, ibinibigay niya sa pangulo at sa mga anti-drug operatives ng pamahalaan ang 100 percent niyang suporta para sa pagsugpo ng droga sa bansa.
Dagdag pa ng aktor, “There maybe some things that I don’t necessarily agree with regarding the methodology in weeding out the culprits in this much needed purge, but I want to make it clear that I support the new government’s hard-nosed stand in its fight against this drug menace.”
Bukod dito, nakiramay din si Baron sa lahat ng kapamilya ng mga nabiktima ng pagsabog sa Davao City kamakailan kung saan 14 inosenteng sibilyan ang nasawi at mahigit 50 ang nasugatan.
“My prayers and sympathies to our dear brothers in Davao, to all those poor innocent souls who became unwitting victims of this senseless act of terrorism.
“Let’s all stand united in our quest for change and lasting peace. If I have offended anyone, or anybody, I am very sorry. Let’s just support and love each other. Stop the bashing. Stop the hating,” sabi pa ni Baron.
Samantala, sumailalim na rin sa voluntary drug test ang mga Viva Artist Agency talents na sina James Reid at Anne Curtis kamakailan.
Ito’y para patunayan sa madlang pipol na hindi totoo ang mga kumakalat na tsismis na gumagamit ng party drugs ang dalawang Kapamilya stars dahil kilala raw ang mga ito sa pagiging party animal. Parehong negatibo sa paggamit ng ilegal na droga sina Anne at James.