‘Hindi bakla sa tunay na buhay si JC Santos!’

jc santos

KAHIT anong pilit namin kay direk Antoinette Jadaone na magkuwento kung gaano ka-mature ang bagong serye nina James Reid at Nadine Lustre na Till I Met You ay talagang tigas pa rin ito sa pagtanggi.

Siniguro sa amin ng direktor na mas mature raw ang JaDine sa TIMY kaysa sa huling serye nilang On The Wings Of Love kaya ang tanong namin ay kung paano naging mas mature, e, mag-asawa na ang papel ng dalawa sa OTWOL, samantalang dito sa bago ay nagliligawan pa lang sila.

“Basta! Ha-hahaha! Hindi ko pa puwedeng sabihin. Maski naman nu’ng dati na mag-asawa sila, pa-tweetums pa rin naman, dito mas mabi-build ‘yung relationship talaga, hindi lang ito pa-tweetums,” nakangiting sabi ni direk Tonette sa amin.

Bakit nga pala hindi napag-uusapan masyado ang papel ng baguhang aktor na si JC Santos na gaganap na kaibigang bading ni James, e, halata naman sa trailer ng TIMY kung saan papunta ang friendship ng dalawang lalaking karakter sa serye.

“Kasi gusto kasi naming maging organic ‘yung kuwento. Maski kita sa trailer it will start sa friendship talaga. Gusto lang namin maging natural ‘yung development ng kuwento,” katwiran ni direk Antoinette.

At kung ang magagandang lugar sa San Francisco, California at Lake Tahoe ang ipinakita sa OTWOL ay sa magagandang tanawin naman ng Greece ang ipakikita sa TIMY.

“Dito naman sa TIMY, Athens, Mykonos at Santorini at saka Sampaloc, Manila! Ha-hahaha!” natawang sabi sa amin ni direk Tonette.

May babalikan pa bang eksena sa Greece katulad ng nangyari sa SanFo, “Hindi ko alam depende po sa magiging takbo ng kuwento. Kasi ‘yung OTWOL, dapat talaga silang bumalik kasi nag-full circle ‘yung kuwento nila, so tama lang na bumalik sila (JaDine). So dito (TIMY), hindi ko pa masabi kung dapat bumalik.”

As now ay patuloy na gumaganda ang rating ng Till I Met You na handog pa rin ng Dreamscape Entertainment mula sa direksyon nina Antoinette Jadaone at Andoy Ranay.

May nag-comment naman tungkol JC Santos na, “He’s kinda cute guy, very hot, okay lang maski gay siya, I like him.” Na sinagot namin ng, “Correction po, hindi gay si JC in real life, sa kuwento lang ng TIMY siya closet gay.”

Read more...