Mark Neumann mapapanood na sa GMA 7

mark neumann

HOW true na lilipat na ang Kapatid actor na si Mark Neumann sa bakuran ng GMA 7? Naging usap-usapan ang posibilidad na magiging Kapuso na nga ang nasabing heartthrob matapos nitong i-post sa kanyang Instagram account ang kanyang guesting sa weekly drama anthology ng Siyete na Karelasyon hosted by Carla Abellana.

Hindi tuloy napigilan ng ilang netizens na magtanong kung senyales na ba ito ng pag-ober da bakod ng half-German at half-Filipino actor na produkto ng isang talent search sa TV5 kung saan nakagawa na rin siya ng ilang teleserye.

Ngayong darating na Sabado (Sept. 10) eere ang nasabing episode ng Karelasyon at makakasama nga ni Mark dito ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Abangan na lang natin kung tuluyan na nga bang lilipat sa si Mark sa Kapuso Network.

Read more...