PATAY ang isang pinaghihinalaang pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis habang isinisilbi ang warrant of arrest sa suspek sa Infanta, Quezon, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Senior Supt. Antonio Yarra, Quezon police director, na bumunot ng baril ang suspek na si Camaloden Sarip, 40, matapos pigilan ang mga pulis na makapasok sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion Bantilan.
Nabaril ng mga pulis si Sarip matapos gumanti ng putok ang mga otoridad. Siya ay namatay habang dinadala sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta.
Sumuko naman ang kanyang misis na si Eleanor sa mga pulis, ayon kay Yarra.
Narekober ng mga pulis ang tatlong sachet ng shabu, isang .45-pistol at mga bala mula sa bahay ni Sarip.
MOST READ
LATEST STORIES