SINIGURO ng award-winning director na si Olivia Lamasan na ibang-iba ang kuwento ng “Barcelona: A Love Untold” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa dati niyang pelikulang “Milan” nina Piolo Pascual at Claudine Barretto.
“Maraming similarities, one parehong shi-noot sa Europe. Pero napakalayo ng kuwento. Iba,” ayon kay direk Olive sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kamakalawa ng gabi.
Limang pelikula ng Star Cinema director ang kinunan pa sa ibang bansa, at ang latest nga ay sa Spain, “We chose Barcelona because Carmi (Raymundo), the writer, had this brilliant idea na parang ginawa niyang metaphor ang Sagrada Familia, the church, sa kung paano umibig yung isang character na si Eli.”
Sa nasabing interview, inamin ni direk Olive na isa siya sa milyun-milyong fan ng KathNiel, “Ay oo! Akong una! Kailangan akong unang makilig. Kilig na kilig ako sa kanila. But you know, ang maganda rito, pinag-uusapan namin, parang iba na yung level ng kilig nilang dalawa.
“In fact it was Carmi who told me, galing sila sa ‘She’s Dating The Gangster’ na kilig ni Cathy Garcia-Molina. Ang kilig naman sa ‘Crazy Beautiful You’, directed by Mae Cruz-Alviar, parang comedic. This one, it’s different,” esplika pa ng direktor.
Diretso ring sinabi ng direktor na habang ginagawa nila ang pelikula ay, “Naku, mataas ang sexual tension! They have matured, naging mama na sila at dalaga.”
Inilarawan ni direk Olive si Kathryn bilang isang napakagandang paru-paro habang si Daniel daw ay, “The man to watch out for. He is to me the new Aga Muhlach— with an Adonis face and a great acting prowess. He’s a gifted soul. Revelation siya sa akin sa pelikulang ito.”
Showing na sa Sept. 14 nationwide ang “Barcelona”.