Book 2 ng Kalyeserye nina Alden at Maine sa ‘EB’ pinaghahandaan ng AlDub nation

maine mendoza at alden richards

BINABANTAYAN ngayon ng trolls sa social media kung madu-duplicate ni Alden Richards ang achievement niyang 7th platinum sa album na “Wish I May” sa bago niyang album under GMA Records na ilalabas sa darating na Oct. 10.

Pero simula sa Sept. 9, available na ang album ng Pambansang Bae sa iTunes. Chika ng taga-GMA Records, ang bibili ng bagong album ni Alden online ay magkakaroon ng dalawang instant gratification tracks. Ibig sabihin nito, makukuha na nila agad ang dalawang kanta mula sa bagong album bago pa man mailabas ang hard copy ng CD.

Maluwag-luwag na rin ang schedule ngayon ng Pambansang Bae dahil host na lang muna siya sa Eat Bulaga habang hinihintay ang pagbubukas ng Kalyeserye Book 2 nila ni Maine Mendoza.

Umaasa ang lahat ng Dabarkads at ang AlDub Nation na very soon ay babalik na ang Kalyeserye. Kung matatandaan, bago tuluyang tapusin ang kalyeserye ay bumulaga sa mga manonood ang pangako ng Eat Bulaga na “Kalyeserye shall return”.

Read more...