PORMAL nang idineklara ng Palasyo ang Setyembre 12 (Lunes) bilang regular holiday sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation number 56, Setyembre 5, bago tumulak patungon Laos para dumalo sa Association of Southeast Asian Nation (Asean) Summit.
“Eid’l Adha is one of the two greatest feat of Islam, celebrated as a regular holiday. The National Commission on Muslim Filipinos has recommended that the observance of Eid’l Adha be on September 12, 2016,” sabi ni Duterte sa pinirmahang Proclamation number 56.
MOST READ
LATEST STORIES